I woke up this morning and suddenly I realized
I love us.
And I love our Minions shirt
GrandPaPaternity is <3
Conclusion to the last JPIA night batch presentation of GPP
“Life is full of surprises” ‘ika nga. Sino ba’ng mag-aakala
na mag-cha-cha-cha agad si Ryza Mae sa oras na ipanganak siya o na kaya’y
manganganak si Tyang sa set o na kaya’y bakla sina Ethan at Liam o na kaya’y
magkapatid sina Celyn at Margaux?
Sino’ng mag-aakala na ang mga batang minsan ring nakarami ng
“bonai” mula kay Mam Emma, Sir Tikki, Sir Lacaba, Sir Lanante at Mam Birdie ay makakahanap ng lakas ng loob para
ipasa ang Quali? Sino ba ang mag-aakala na ang mga mukhang to ang
magsasama-sama sa loob ng tatlong taong pakikipagsapalaran sa mundo ng
Accounting? At ‘eto kami ngayon tulad
nina Ethan at Liam ay nagpakatotoo rin sa isa’t isa at tulad nina Celyn at
Margaux ay natutunan ring pakisamahan ang isa’t isa. And together we will
continue to embrace the surprises and challenges brought about by the wonderful
(ehem) world of Accounting.
Ang batch na major sa pagpapatawa, sa paggawa ng puppets, sa
pagkanta bilang choir at sa pagmemerienda. Isang masigabong palakpakan para sa
batch na sa isa pang pagkakataon ay naghandog sa inyo ng “total entertainment”
– batch GrandPaPaternity!