At dahil buwan ng wika ngayon, naisipan naming magkakaibigang kumanta ng OPM sa covered walk sa loob ng campus.
Ekonomiks lang ang may pasok noong araw na yun at pista pa sa Palo, Leyte. Eh, hindi pumasok si Marsha (yung kaklase naming taga-Palo). Wala raw silang handaan. Pano na lang ang tanghalian namin? Minabuti naming kumain na lang bago pa kami mahimatay sa gutom.
Tila di pa nakuntento sa pananghalian, naghahangad pa rin kaming may umanyaya sa amin sa kainan sa Palo. Tumambay kami sa covered walk at kumanta nang kumanta ng OPM. Yung kantahang wid peelings. Nilalakasan pag walang dumadaan at hinihinaan kapag mayroon. Sa kasamaang palad, walang dumating na paanyaya. Hanggang sa naisipan naming sumuko na lamang at umuwi.
Hindi lang pala tunog ng calculator ang alam naming pakinggan.
Hindi lang pala silid-aklatan ang kaya naming tambayan.
Hindi lang pala sa pista may kasiyahan. (bitter lang)
Pero hindi namin ito mararanasan kung ang ginawa namin noong araw na iyon ay ang pangkaraniwang ginagawa namin sa silid-aklatan tuwing nag-aaral para sa Advanced Accounting. Marami pang dapat maranasan sa buhay. Hindi naman nagtatapos ang lahat sa Accounting. (In English: "There is more to life than Accounting". Haha, di natiis. Isulong ang wikang Filipino!)

No comments:
Post a Comment